Dominic Roque at Sue Ramirez: Opisyal na ang ‘DominSue’ Love Story!

Official na inamin nina Dominic Roque at Sue Ramirez na sila ay magkasintahan! Matagal nang napapansin ang kanilang closeness matapos silang makita na magkasama sa Siargao, kung saan kumalat online ang videos na sweet sila sa isa’t isa at magka-holding hands pa.

Noong December 2024, sa red carpet premiere ng Metro Manila Film Festival movie na The Kingdom, kinumpirma ni Dominic ang kanilang relasyon. Sabi niya, “We’re dating. Happy naman kami together. We’re going out and, ayun, kinikilala namin ang isa’t isa.”

Sinang-ayunan naman ito ni Sue at sinabi na ine-enjoy nila ang oras na magkasama. “We’re enjoying each other’s company. That’s all I can say for now,” ani niya.

YE7
Advertisment

Pagkatapos nito, naging Instagram official na rin ang kanilang relasyon. Nag-post sila ng mga sweet photos na ikinatuwa ng kanilang fans.

Pareho rin silang may past relationships. Si Sue ay dating karelasyon ng politician na si Javi Benitez hanggang early 2024, habang si Dominic naman ay naugnay noon kay Bea Alonzo.

Ngayon, tinatawag na sila ng fans bilang “DominSue,” at todo suporta ang mga ito sa kanilang love story. Marami ang natuwa sa pagiging open nila tungkol sa kanilang relasyon at excited na ang lahat sa next chapter ng kanilang journey together!

Related Posts